Gov NC, nag utos Ng imbestigasyon kaugnay sa kaso ng Diarrhea sa Bayan ng Midsayap, proyektong patubig pinabilisan

Amas, Kidapawan City – Agad nag utos ng imbestigasyon si Governor Nancy Catamco sa tanggapan ng Integrated Public Health Office kaugnay ng diarrhea case na kinasangkutan ng 27 ka tao na mga residente ng Purok 6, barangay Nalin, Midsayap.

Nabatid mula kay IPHO Chief, Dr. EVA RABAYA, na noon pang Agosto a-sais, nagsimula nabantayan ang diarrhea sa isang hanay ng magkakapitbahay sa barangay.

Basi sa imbestigasyon, ang mga residente ay gumagamit ng jetmatic pump para sa kanilang tubig inumin at nang magsimula ang madalas na ulan sa lugar at posibling na kontamina ang nasabing water source.

Nilinaw ni Dr Rabaya, na clustered diarrhea cases ang nakita sa monitoring at may isang amoeba case. Nilinaw din ng Dr. Rabaya na hindi ito kaso ng cholera outbreak basi sa resulta ng bestigasyon.

Kasunod ng kahilingan ni Brgy Chairman Roque Paracuelles, nakatakdang maghatid ng Hyposol at Chlorine ang IPHO para matiyak na malinis ang tubig na kanilang magamit. Maghigpit naman ang bilin ng IPHO Chief na iwasan na muna ang pag inom sa nasabing water source habang madalas ang ulan. Kung di man maiwasan, kailangan diumanong pakuluan ang tubig upang matiyak na ligtas itong inumin.

Una nang iniutos ni Governor Catamco sa Provincial Engineering ang mabilisang pagtatayo ng water system sa mga paaralan at sa nga barangay na may problema sa potable water system.

Sa mga konsultasyon na kanyang ginagawa sa barangay, nililinaw ng Gobernador na dapat mabigyang prayoridad ang pagsulong ng potable water system dahil mahalaga ito sa araw araw na pamumuhay lalo na sa pagsulong ng proteksyon para sa kalusugan.

READ  RX BoX at Starbooks ipineresenta ng DOST kay Gov NC.