Tinuturong dahilan ng pagbaha sa isang barangay ng Midsayap sinuri ni Gob. NC

Amas, Kidapawan City – Di alintana ang tirik ng araw sinuong ni Gob. Nancy Catamco ang mahirap at maputik na daanan papasok sa isang lugar sa Barangay San Pedro, Midsayap kasama si Barangay Kapitan Allan Alarcon, sakay ng motorsiklo kaninang umaga lamang.

Ito ay ang Dam ng Libungan River Irrigation System (LIBRES), programa sa ilalim ng National Irrigation Administration (NIA). Tinuturo ito ng mga residente na siyang dahilan ng pag-apaw ng baha papunta sa kani-kanilang mga kabahayan.

Nang dumating ang Gobernador sa nasabing Dam, tumambad sa kanya ang naglalakihang puno at sanga ng mga kahoy na siyang dahilan ng pagbara nito at pag-apaw ng tubig.

“Lubog hanggang bewang ang tubig, basa ang mga damit at bigas, wala na silang tulog dahil ang kama ay abot na rin ng tubig” sabi ni Kapitan Alarcon na awang-awa sa mga residente.

Nitong pinakahuling pagbaha ang pinakamatindi, nasa 150 pamilya umano ang apektado at abot umano sa sampung ektaryang palayan ang napinsala.

Sinabi ng Gobenador na ipatatawag nito ang pamunuan ng NIA sa lalong madaling panahon para masulosyonan ang problema ng Dam.

Samantala hiniling na rin ni Kapitan Alarcon sa Gobernador na magawan ng kalsada ang gilid ng irigasyon na siyang tanging madadaanan ng mga may bahay malapit sa irigasyon.

Kaagad din itong tinungo ng Gobernador para tingnan kasama si Engr. Jun Duyongan at tugon nito na pag-uusapan nila ito kasama ang pamunuan ng NIA. Maaring makipagtulongan ang Provincial Government sa NIA para magawa ang kalsada.

Ipinag-utos na rin ng Gobernador sa PDRRMO na gumawa ng Damage Assesment and Needs Analysis para malaman kung ano ang agarang maitulong sa mga pamilyang apektado ng baha.

READ  Gov NC, nag utos Ng imbestigasyon kaugnay sa kaso ng Diarrhea sa Bayan ng Midsayap, proyektong patubig pinabilisan

“Bilib na bilib ako kay Gobernor Nancy. Isang karangalan na bumisita si Gob sa Barangay namin. Nagpapasalamat ako dahil aktwal niyang nakita ang mga problema sa Barangay,” dagdag ni Kapitan Alarcon.

Kasama ng Gobernador si Konsehal Edgar Ostique Jr., Konsehal Chelin Monica “Tweety” Haraplasan Araña, Konsehal Ma. Belen Sabio, Kapitan Eduard Delfin, Kapitan Ignacio Insular, Kapitan Orly Iraga, Kapitan Panes, Kapitan Orlando Ligsay, Kapitan Gleceria Valmoria, Kapitan Norodin Kusa, PD PCol. Henry Villar, MSWDO John Karlo Vallentes