Araw araw aa pagdating ng mga Locally Stranded Cotabateños malugod na tinatananggap ng Probinsya ng Cotabato

Patuloy pa rin ang Task force Sagip Stranded North Cotabateños sa pagbibigay ng gabay at tulong sa mga LSIs at mga ROFs.

Sa pinakahuling tala, umabot nang 67 locally Stranded Cotabateños ang napauwi ngayong gabi.

Ayon ito sa direktiba at iniastibo ng mahal na Gobernadora Nancy A.Catamco ang mga ito ay kinabibilanang ng 36 Returning Overseas Filipinos (ROF) at 31 naman ang Locally Stranded Individuals (LSI).

Kabilang sa panuntunan ng Task Force na lahat ng LSIs at ROFs na uuwi sa Probinsya ay kailangang sumailalim sa 14-day quarantine.

Maaaring i-access ang Facebook Page ng TASK FORCE SAGIP STRANDED NORTH COTABATEÑOS para sa mga detalye at mayroon ding mga hotline numbers na maaaring matawagan ng mga nangangailangan ng gabay.

READ  Isang LSI emosyonal na nagpasalamat kay Gob. NC