AKSYON AGAD: Nagpaabot ng malaking pasasalamat kay Governor Nancy Catamco ang mga residente ng Barangay Dado sa bayan ng Alamada dahil makalipas ang ilang taon ay naayos na ang mga nasira nilang kalsada.

Ayon kay Dado Barangay Captain Antonio Camino, malaking ginhawa sa mga residente partikular ng mga magsasaka ang mga naayos na daan dahil naging madali na ang pagpapalabas ng kanilang mga produkto.

Pinasalamatan din nito ang fleet team dahil naisabay ang pagtatambak ng lupa sa kanilang bagong covered court.

Kabilang sa mga kalsadang natapos na ang rehabilitation ay ang sitio Patag at Upper Valley na umabot ng mahigit 3 kilometro habang nagpapatuloy pa ang paggawa sa iba pang sitio.

Tiniyak naman ni Fleet Engineer Edgardo Calamba na kapag natapos na ang road rehab sa barangay Dado ay agad lilipat ang kanyang fleet team na pinamumunuan ni foreman Bernie Rollon at monitoring Ellen Reyson sa iba pang mga barangay.

Ang puspusang pagsasaayos ng mga kalsada sa mga barangay ay kabilang sa mga top priorities ni Governor Catamco bilang malaking bahagi ng kanyang hangarin na gawing masagana ang lalawigan ng Cotabato.

READ  AKSYON AGAD: " Tama talaga na walang pulitika pulitika, kundi serbisyo sa katawhan. Hindi lamang ito patching patching kundi opening of roads. Maraming salamat Governor Nancy Catamco, ikaw lang talaga ang nakapagbukas ng aming kalsada."