AKSYON AGAD: ” Tama talaga na walang pulitika pulitika, kundi serbisyo sa katawhan. Hindi lamang ito patching patching kundi opening of roads. Maraming salamat Governor Nancy Catamco, ikaw lang talaga ang nakapagbukas ng aming kalsada.”

Ito ang naging buod ng mga pahayag ni Barangay Kapitan Judith Tamalla ng Barangay Salunayan sa bayan ng Midsayap makaraang simulan ng Provincial Engineering Office (PEO) ang road rehabilitation at opening of roads sa kanyang barangay kaninang umaga, Agosto 29.

Aniya, nasorpresa sya kasama ang kanyang buong konseho makaraang dumating ang Fleet Team ng probinsya kahit araw ng Sabado upang ayusin ang kanilang mga kalsada.

Ayon pa sa kapitana na tama talaga si Govenor Catamco na isantabi muna ang pulitika at ituloy ang pagbibigay ng serbisyo at proyekto sa taumbayan.

Kasama ng kanyang buong konseho ay pinasalamatan nito ang fleet team sa pamumuno ni Engineer Eduardo Calamba,
Foreman Bernie Rollon at
Monitoring officer Ellen Reyson sa pagbibigay prayoridad sa kanyang barangay.

Ang mga binuksang kalsada sa barangay Salunayan ay bahagi ng mga kalsadang binawi ng pamahalaan mula sa mga illegal occupants.

https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

READ  AKSYON AGAD...