Isang BHW na matagal na sa serbisyo napabilib kay Gob. NC

Amas, Kidapawan City – Subrang bilib ni Ginang Susan Villote, isang BHW sa Poblacion 1, Banisilan, kay Gob. Nancy Catamco dahil sa pagbibigay importansiya nito sa kalusugan ng kanyang mga kinasasakupan.

“Nagsugod ko og serbisyo isip Barangay Health Worker niadtong tuig 1988 nga purely volunteer gyud. Karon nalipay ko kaayo nga naa tay Gobernador nga nagalantaw sa kaayohan sa katawhan ilabi na sa maayong panglawas. Kami nga Health Workers nasayod sa plano ni Gob. Catamco sa Banisilan nga pagpatindog og hospital. Maong nagapasalamat gyud kami kay kini ang damgo sa katawhan sa Banisilan sukad pa, ug karon lang gyod natinood sa panahon niya.”

Kanina ay pinamahagi ni Gob. Nancy Catamco ang allowance ng mga BPAT, BNS, DCW at sa mga BHW sa bayan ng Banisilan, at isa na rito si Ginang Villote nakatanggap ng 4,200 pesos na allowance para anim na buwan. Kasama ng Gobernador sina Mayor Jesus “Butsoy” Alisasis at Vice Mayor Julier Caranay at mga Barangay Chairmen.

Labis din ang pasasalamat ni Ginang Villote dahil may magagamit na umano itong pampagamot sa kanyang anak na may sakit. Malaking bagay na umano ang perang natanggap nila sa panahon ng pandemya.

Nananawagan naman si Ginang Villote sa mga kapareho nitong BHW na pagbutihin lamang ang serbisyo kahit na mahirap dahil sa huli ay makakatanggap din sila ng biyaya.

Source:https://web.facebook.com/GovNancyACatamco/

READ  PPOC Magsasagawa gg mas malalimang imbestigasyon sa operasyon ng mga ng MISFI Academy Sa Probinsiya