Aksyon Agan : Road asphalting of Barangay Dimapaco, Linbungan North Cotabato

AKSYON AGAD/// Walang humpay na pasasalamat kay Governor Nancy Catamco ang bukambibig ng mga residente ng Barangay Dimapaco sa bayan ng Libungan dahil sa road asphalting na handog sa kanila ng Catamco administration.

Kahapon, Setyembre 11 ay tinapos ng Provincial Engineering Office ( PEO) sa pamumuno ni Engineer Jun Doyongan ang pag gawa sa 1 kilometro at 150 metrong pag aaspalto sa naturang barangay road.

Ayon kay Fleet Foreman Larry Barrios na 800 meters lang sana ang nasabing proyekto ngunit dahil mas mababa sa 2.5 meters ang lapad ng kalsada kaya nadagdag ito sa haba.

12 equipments ng PEO na galing pa sa bayan ng Mlang ang full force na nagtrabaho sa naturang proyekto na may kapal na 3 inches.

Labis naman ang pasasalamat ni Dimapaco Barangay Chairman Jun Develleres kay Governor Catamco sa mabilis na tugon sa hiling nilang proyekto na magdudulot ng malaking kaginhawaan sa kanyang mga residente.

READ  AKSYON AGAD: " Tama talaga na walang pulitika pulitika, kundi serbisyo sa katawhan. Hindi lamang ito patching patching kundi opening of roads. Maraming salamat Governor Nancy Catamco, ikaw lang talaga ang nakapagbukas ng aming kalsada."