Plano para sa turismo sa Mt. Kituved inilatag ng Tribal Leaders kay Gob. NC

Amas, Kidapawan City – Inilatag ng mga Tribal leaders ng Gawasan Bintangan Ancestral Domain Claim ng Tribong Erumanen Menuvu sa pangunguna ng head Claimant na si Timuey Dahil Mampurok ang plano para sa Turismo sa Mt. Kituved kay Gob. Nancy Catamco ngayong hapon.

Ang Mt. Kituved na tinatawag ding “Mt. Opaw” ay makikita sa pagitan ng Sitio Gawasan, Brgy. Bintangan, Carmen at Brgy. Puting Bato, Banisilan, North Cotabato. Dinadayo ito ng mga turista dahil sa taglay nitong 360° view sa napakagandang tanawin, ang na-uusong “sea of clouds,” at ang inaabangang pagsibol at paglubog ng araw.

Gusto ng mga Tribong Erumanen bilang may-ari ng kinikilala nilang sagradong Mt. Kituved na sila ang mamahala sa programang Turismo dito nang sa gayon ay mapu-protektahan umano ang lugar at masisigurong malinis at nirerespeto ng lahat na aakyat.

Ang Kituved ay wikang Erumanen Menuvu na nangahulogang ‘gabi.’ Ikinuwento ng mga ninuno nila na noong panahon ng malaking baha sa buong mundo, ang tuktok ng bundok na ito ang tanging lugar na hindi naabot ng pagbaha. Nakita umano ng mga ninuno nila ang tumubong Kituved o gabi sa tuktok nito kaya doon kinuha ang tawag dito.

Isang dahilan na hiniling din ng mga tribo na gamitin ang Mt. Kituved at hindi Mt. Opaw dahil sagrado ito.

Iminungkahi naman ni Gob. Catamco na gagawa ang mga Municipal IPMR ng Banisilan at Carmen ng ordinansa na gamitin ang orihinal na tawag ng mga Erumanen sa nasabing bundok.

Suportado ng Gobernador ang nais mangyari ng mga Erumanen Menuvu dahil pribadong lupa nila ang Mt. Kituved. At sinasabi rin nito na dapat kilalanin ang kanilang mga karapatan sa kanilang lupang ninuno.

READ  Mga kababyen-an nga IP sa Barangay Sumalil nakabinipisyo sa duha ka adlaw nga pagbansay mahitungod sa paghimo ug Chips ug Tsaa.

Initusan din ng Gobernador si Provincial IP Affairs Head Bo-i Leah Icdang-Labrador na magsasagawa agad ng Workshop para sa Indigenous Political Structure (IPS) na siyang kinakailangan para sa pagpaplano ng turismo sa lugar sa tulong ni Bae Elmalyn Abatayo.

Laking pasasalamat ni Timuey Mampurok sa mabilis at malinaw na tugon ng Gobernador.

Hiniling na rin ni Timuey Mampurok sa Gobernador bilang Brgy. Chairman ng Bintangan ang road concreting at concrete bridge. Hiniling din ni Kagawad Airene Unding Mampurok Valdevieso ang Road opening at Hanging bridge sa Sitio Kalamuhing.

Kasama rin sa pagpupulong si Timuey Bruns Babelon, Timuey Daniel Puntongan, IPMR Ricardo Ansaod, IPMR Roberto Mandionog, IPMR Alfredo Sacayan, Kgd. Gladys Joy Ampigan.

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco/