Mga frontliner ng lalawigan nakatanggap ng libreng bakuna kontra flu at pneumonia

Amas, Kidapawan City (September 14,2020)- Inilunsad ngayong araw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office ang pagbibigay ng pneumococcal and flu vaccine sa mga frontliner ng lalawigan na kinabibilangan ng mga personahe ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Taskforce SAGIP personnel, Sangguniang Kabataan officials, health practioners and staff at miyembro ng LGBT community.

Layunin ng nasabing programa na siguruhin na protektado ang mga frontliners ng lalawigan sa mga nakakahawang sakit gaya ng flu at pulmonya na kadalasang kumakalat lalung-lalo na kung pabago-bago ang panahon.

Binigyang diin ni IPHO head Dr. Eva C. Rabaya na ang bakunang ibinigay sa mga frontliner ay hindi bakuna kontra COVID-19 dahil hanggang ngayon ay wala pa ring lunas o gamot sa nasabing karamdaman.

Namahagi rin ang IPHO ng mga COVID-19 hygiene kits para sa mga frontlliner na kinabibilangan ng facemasks, alcohol, at vitamin C.

Nagsagawa rin ang IPHO ng libreng HIV testing at information dissemination campaign sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community at frontliners.

Sa mensaheng ipinaabot ni SP Committee on Health and Sanitation BM Philbert G. Malaluan at siya ring incident commander ng Provincial Task Force for COVID-19 sinabi nito na ang programa ay ilan lamang sa mga hakbang ng lalawigan sa paglaban nito sa nakamamatay na COVID-19 virus at Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Governor Nancy A. Catamco sa lahat ng mga frontliner sa pamamagitan ni Provincial Administrator Efren F. Piñol.

Ayon kay PA Piñol hindi madali ang papel na ginagampananan ng mga frontliner sa paglaban sa krisis pangkalusugan na kinakaharap ng buong mundo.

READ  MinDA chief seeks lifting of ban on mature coconut exports

Binigyang pugay rin ni Piñol ang sakripisyo at dedikasyon ng mga ito sa kanilang trabaho makapagbigay lamang ng serbisyo sa mga mamamayan ng probinsya.//pgo-idcd//

Source:https://web.facebook.com/cotabatoprovinceofficial/