“Tabang ni Governor Nancy Catamco sa inyoha libreng TESDA scholarship program.”

Ito ang naging pahayag ni Provincial Administrator Sir Efren Piñol ng siyay nagsalita sa ngalan ni Governor Nancy Catamco sa ginawang TESDA orientation.

Isa ito sa programang binibigyang diin ni Gov. Nancy Catamco ang magbigay ng mga trabahong naaangkop sa mga kasanayan at kakayahan ng isang aplikante upang madaling makapaghanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa.

Sa orientation na isinagawa ng TESDA sa pangunguna ni Engr. Frank Beltran, ang mga scholars maaaring mag-avail ng skills training on butchering, cookery at grader operator. Ang training cost ay libreng ibibigay, assesment ay free, insured ng isang taon sa GSIS. Mayroon ding training support fund o allowances, internet allowance 500 pesos at healthcare personal protective equipment.

Pasasalamat ang hatid ng mga maswerting scholars ng TESDA sa kay Gov. Nancy Catamco, sa kadahilanang ang mga skills training na ito ay mahal kung e aavail mo sa mga TESDA accredited schools pero sa tulong ng provincial government ay libre na ito.

READ  157 Luzon LSIs now home via chartered flight for Cotabateños, CotProv now has 2,055 repatriated