Ayuda mula kay Gob NN ipinamahagi para sa mga biktima ng lindol sa Makilala

Indangan, Makilala, Cotabato (Septyembre 15, 2020) – 90 na pamilya mula sa Barangay Indangan, at 70 na pamilya mula sa Barangay Buhay ang nakatanggap ng tig 10,000 pesos na tulong pinansyal mula sa Provincial Government.

Ito ang katuparan ng pangako ni Gobernador Nancy Catamco (Gov. Catamco) nang una silang binisita nito nang silay nagsilikas dahil sa sunod sunod na lindol. Labis na na nabahala si Gov. Catamco sa pinsalang naidinulot sa dalawang barangay. Ang mga ito ang nagtamo pinakamalaking naitalang pinsala.

Ang mga pamilyang biktima ng lindol na nanatili pa sa mga relokasyon mula noong buwan ng Marso ang syang nakatanggap ng naturang ayuda.

“Meron rin pong ibang tulong na ibibigay pa sa inyo. Pagkatapos po nito ay magbibigay pa tayo pondo para po sa mga materyales na gagamitin nyo sa paggawa ng mga nasira nyong kabahayan”, ani ni Gov. Catamco.

Hiniling din ni Gov. Catamco ang pagtutulungan ng bawat isa upang makabangon sa trahedyang kinaharap, “Hinihikayat ko po kayong lahat na magtulungan po tayo sa muling pagbagon ninyo mula sa mga trahedyang nagdaan.”, sabi nya.

Nagpa abot naman ng taos pusong pasasalamat sina Barangay Captain Napoleon Inggo ng Indangan, at Barangay Captain Sahrani Molok ng Barangay Buhay. Ganun din si Ginang Conchita Quinod, na syang naging representante ni Mayor Armando Quibod.

Naroon rin sa aktibidad sina Board Member Onofre Respicio, Manoling Lalaguna ang Municipal Administrator ng Makilala, Sonny Fontanilla ng Municipal Disaster Risk Reduction Management, Ramon Floresta na Chairman ng Provincial Chamber of Comerce, Abdula Cariga ng Provincial Environment and Natural Resources Office, Police Provincial Director Colonel Henry Villar, at Major Victor Inting (INF) ang Executive Officer ng 39th Infantry Battalion.

READ  Gov. NC pinahigpitan ang mga ASF Checkpoints, Barangay Tumanding Arakan sinalanta na rin ng ASF

Ang aktibidad ay isinulong ni Gov. Catamco kaakibat ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, Provincial Social Welfare Development, at Provincial Treasurer’s Office.