Isang LSI emosyonal na nagpasalamat kay Gob. NC

Barangay Buena Vida, Makilala, Cotabato (Septyembre 15, 2020) – Nagpahayag ng lubusang pasasalamat si Ginang Eva Corpuz (Corpuz), isang Locally Stranded Individual (LSI), kay Gobernador Nancy Catamco (Gov. Catamco). Sya ay galing sa Maynila, at natulungang makauwi sa probinsya sa pamamagitan ng Task Force Sagip North Cotabateños (TF Sagip NC), na insyatibo ni Gov. Catamco.

“Maraming salamat Gov. Catamco sa walang sawang pagtulong sa mga LSI na mapauwi sa probinsya. Malaking tulong po ito sa amin na makapiling at makita pa namin ang aming pamilya sa gitna ng pandemya,” sabi ni Corpuz.

Ang naturang Ginang ay isa sa mga 19, 203 na natulungang napauwi sa probinsya sa pamamagitan ng TF Sagip NC.

Isa rin sa mga naging benepisyaryo si Corpuz sa ayudang pinamahagi ni Gov. Catamco sa nasabing barangay nitong araw.

READ  Mga Barangay Workers ng Bayan ng Aleosan, tumanggap ng honorarium mula sa Provincial Government