Mahigit P35-M naipamahagi ni Gob NC para sa mga Barangay Frontliners

Amas, Kidapawan City (Sep 16,2020) Aabot sa P 35,937,600 ang kabuuang halaga ng honorarium at cash assistance na naipamahagi ni Governor Nancy Catamco sa mga barangay frontliners ng buong probinsya.

Basi sa talaan, umabot sa 10,207 Barangay Peace Keeping Action Team (BPAT) members ang nabigyan ng tig P1,000.00 at 3,198 Barangay Health Workers, 1,061 DayCare at Barangay Nutrition Scholars na 730. Sila ay nakatanggap naman nang P4,200 na honorarium para sa anim na buwang serbisyo at tig P1,000.00 cash assistance sa ilalim ng Covid support program na una nang naipamahagi.

Naglibot ang Gobernadora sa mga munisipyo at pinasalamatan ang mga 15,196 na mga barangay frontliners na nagsilbi sa mamamayan at naging kaakibat ng kanyang administrasyon sa pagpapatupad ng programa.

Bakas sa mukha ng mga frontliners ang kasiyahan, pagkabighani at paghanga nang personal nilang makita ang Gobernador at marinig ang kanyang mensahe.

Nagkakasiyahan rin sila sa mga paligsahan at inisyatibo ng Gobernador mula sa kani-kanilang sektor at nabibigyan ng papremyo.

Sinabi ng Gobernador na di kayang tumbasan ng pera ang sakripisyo at serbisyo na kanilang naibigay at labis nya itong pinapasalamatan.

Kasama ng Gobernador na humarap sa mga frontliners ang mga Alkalde at opisyales ng bayan at sina PNP Provincial Director PCol. Henry Villar,
BoardMember Onofre Respicio, BoardMember Dulia Sultan, Board Member Krista Piñol Solis at Board Member Philbert Malaluan at si Congressman Joselito “Joel” Sacdalan sa mga bayan sa First Legislative District.

Source:https://www.facebook.com/GovNancyACatamco/

READ  Tulong pinansyal ipinamahagi ni Gob. NC