Magsasaka sa Brgy. Cabilao, Makilala nagpapasalamat sa tulong-pinansiyal na natanggap mula sa Probinsya

Bulatukan, Makilala, North Cotabato – Labis na nagpapasalamat si Manong Freddie Engkog sa tulong ng Probinsya sa gaya niyang nawalan ng bahay pagkatapos ng malakas na lindol sa Makilala.

Kanina ay ipinamahagi ng Probinsya sa pangunguna mismo ni Gob. Nancy Catamco ang tig P10,000 sa mga nasiraan ng bahay sa Barangay Cabilao, Makilala, North Cotabato, na umabot ng P3,110,000 para sa 311 na pamilya.

Si Manong Freddie at ang buong pamilya nito ay lumikas Oktobre ‘nung nakaraang taon, pagkatapos na gumuho ang bahagi ng bundok na malapit sa kinatitirikan ng bahay nila sa Sitio Biyawan. Kasama sila sa mahigit 200 pamilyang lumikas dahil sa panganib.

Para kay Manong Freddie, napakalaking tulong umano ang perang natanggap nila ng pamilya niya. Alam nitong mayroon silang matatanggap na pabahay ng National Housing Authority (NHA) kaya masaya siya dahil magagamit umano nila ang pera para sa ibang importanteng kagamitan sa toldang tinutuluyan nila sa ngayon.

Ang mga taga Sitio Biyawan na lumikas ay kasalukuyang naninirahan sa mga tolda sa Barangay Bulatukan habang patuloy na inaayos ang resettlement area para sa kanila.

Kasama ng Gobernador sa pamamahagi ng tulong-pinansiyal ang maybahay ni Mayor Armando Quibod na si Conchita Quibod, BM Onofre Respicio, IATF Head BM Dr. Philberth Malaluan, 39th IB Executive Officer Executive Officer Major Victor Inting (INF), Makilala COP Police Major Arniel Milocotones, Chairwoman Annalee Villas.

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

READ  Pamilya ng Siyam kataong napaslang sa Kabacan humiling ng hustiya kay Gob NC