Nakatiwangwang na lupaing-ninuno sa Brgy. Buhay, Makilala gagawing plantasyon ng hass avocado

Makilala, North Cotabato – Gagawing plantasyon ng Hass Avocado ang malawak na lupaing-Ninuno ng mga tribong Tagabawa sa Barangay Buhay, Makilala na nakatiwangwang lamang.
Ito ang napagkasunduan kanina sa isang pagpupulong ng pribadong investor na si Dr. Ramon Floresta at ang mga katutubo na pinangunahan ni Manatem Bienvenido Macalos, ang head Claimant ng Tana Ka Katugallan Nit Paa Te Apu Sandawa, CADT Holder ng Barangay Buhay na si Matanem Rama Lopez at IPMR Merna Linao, Governor Nancy Catamco, MANP Cotabato Shirley Uy, PENRO Mamutur Cariga.
Sinabi ng Gobernador na gusto nitong magagamit ang nakatiwangwang ng CADT areas upang matulungan ang mga katutubo na kikita at mabigyan ng trabaho.
Sinabi ni Dr. Floresta na pwedeng itanim ang Hass Avocado kahit sa matataas na lugar na aabot ng 800-1000 ASL kaya bagay ito sa mga CADT areas. Namumunga rin umano ang Hass Avocado buong taon kaya hindi mawawalan ng trabaho ang mga tao.
Plano rin ng Gobernador na isusulong ang plantasyon ng Hass Avocado sa ibang pang CADT areas sa buong North Cotabato.
Nagpaalala naman ng Gobernador na siguruhing dadaan ito ng Free and Prior Informed Consent (FPIC) sa kumunidad at masigurong kilalanin ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupain.
Hiniling naman ni Matanem Macalos si Gob. Catamco na tulongan sila sa preparasyon ng mga kinakailangang dokomento at mapabilis ang proseso nito, at kaagad namang inutusan ng Gobernador si Bo-I Leah Icdang-Labrador para tutukan ito.
Lubos ang pasasalamat ni Matanem Lopez dahil matutulungan na umano ang mga tao na kumita at uunlad ang lugar nila. Sinabi rin nito sa mga opisyal ng DENR na aalagaan nila ang mga itatanim na Abokado para hindi na sila magkakaingin.
Source:https://www.facebook.com/GovNancyACatamco
READ  Gov NC dinalaw ang biktima ng baha, Bayaning nagsagip pinasalamatan!