74 Stranded Cotabateños ang dumating ngayong araw Sa Probinsya ng Cotabato

Patuloy ang operasyon sundo sa mga airport ng TF SAGIP Stranded North Cotabateños at kanina ay abot sa 74 LSI’s at ROF’s ang natulungan.

Kabilang sa nakauwi ngayong araw si Ginang Leah Domingo Gono, ROF at residente ng brgy. Bialong, M’lang, North Cotabato. Ang pagbyahe ni Gono ay unang naisangguni ng OWWA sa probinsya dahil nasa maselan na kondisyon dahil maysakit ito.

Agad namang sinundo ng Mdrrmo M’lang si Ginang Gono sa probinsya upang matutukan ang kalagayan nito ito ay sa abiso ni M’lang Mayor Russel Abonado

Ayon Kay Bernardo Adelantar Tayong II Head ng Mdrrmo M’lang, pagtutuunan ng pansin si Gono habang nasa quarantine facility. Kanilang imomonitor ang kanyang kalagayan hangang matapos ang kanyang 14 days quarantine sa pakikipagtulungan ng kanyang pamilya

Lubos ang pasasalamat ng mga nasundo mula sa mga paliparan sa programa ni Governor Catamco. Ngayon araw, 34 Lsis at 40 na Rofs ang natulungan ng pamahalaang probinsya.

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

READ  Construction materials hinatid ni Gob. NC sa mga biktima ng nakaraang lindol sa Tulunan