Mga Punong Barangay sa Pigcawayan humahanga sa malasakit ni Gob. NC

Pigcawayan, North Cotabato – Lubos na humahanga sa malasakit na ipinakita at ipinadama ni Governor Nancy Catamco sa mga mamamayan ng Probinsya.

Ito ang naging pahayag ng Chairman ng Liga ng mga Barangay Kapitan ng Pigcawayan na si Kapitan Rene Casis sa pagpupulong ng mga Punong Barangay sa kanina na dinaluhan ng Gobernador.

“Maganda ang pamamahala niya sa Probinsya, kahit araw ng Linggo pinaunlakan niya kami. Supposed to be nagpapahinga siya, pero sa kagustuhan niyang marinig ang mga hinaing ng mga Punong Barangay kaya nandito siya ngayon,” sabi ni Casis.

Sa likod ng banta ng pandemya, tuloy tuloy parin ang pagbibigay ng serbisyo ng Gobernador sa mga tao. Nakikita ng mga tao ng 24/7 ang pagbibigay ng serbisyo sa mga tao sa Probinsya.

Isa siyang tunay na Ina ng Probinsya, dahil sa kanyang pagmamahal at malasakit. Itong ganitong klasing Gobernador meron tayo ngayon, maasahan nating patungo tayo sa mas maunlad na Probinsya,” paghanga ni Chairman Casis.

Kanina ay ipinarating ng 40 Punong Barangay ang kani-kanilang mga kahilingan kay Gob. Catamco.

Nanguna pa rin sa mga problema mga Brgy ang Road opening, Road gravelling, Water System. may humiling rin ng Construction Materials para sa Barangay Hall.

Hiniling ng Gobernador na magsumite sila ng resolutions at pormal itong isangguni Annual Investment Plan ng probinsya.

May ilang kahilingan naman na agaran ding inaksyonan ng Gobenador tulad ng Polyethylene Hose para sa pagsasaayos ng inuming tubig at imburnal para sa inaayos na kalsada.

Ipinaalala naman ng Gobenador na lumapit lamang sa kanya ang mga opisyal ng Barangay, natalo man siya doon o hindi, dahil ang mga proyekto aniya ay para sa mga tao, hindi sa mga binoto. “Wala muna tayong kontra-partido, dapat kontra-COVID-19 tayo,” aniya.

READ  Produksyon ng Coconut Sugar sa North Cotabato isusulong ni Gob. NC

Nanawagan naman si ABC Chairman Casis sa kagaya nitong Punong Barangay na makipagtulungan sa Gobernador nang sa gayon ay mas lalo umanong mapadali ang pagpapatupad ng mga proyektong hiniling sa kanya.

Kasama ng Gobenador si Mayor Jean Dino Roquero, BM Dulia Sultan, PD Henry Villar, Engr. Jun Duyongan.

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco