Pamilyang Salindong sa Kibudtungan, Carmen labis na nagpasalamat sa tulong na naipaabot ni Gob. NC

Amas, Kidapawan City – Labis na nagpasalamat ang pamilya ni Marilyn Angcosin Salindong, residente ng Purok 5, Kibudtungan, Carmen sa tulong na ipinaabot ni Governor NANCY CATAMCO para sa kanilang pamilya kahapon.

Si Marilyn ay 36 anyos, sya ang babaeng may sakit at inilapit sa Gobernador sa pamamagitan ng Facebook account ng isang kamag-anak upang matulungan.

Nang makarating sa Gobernadora nitong byernes agad nitong ipinag-utos ang pag-asikaso sa kanila at mabigyan ng financial assistance. Agad natawagan ang kanilang pamilya subalit nitong Sabado ay nabatid na pumanaw na si Marilyn.

Naiyak si Cecilio, asawa ni Marilyn nang makausap ng team na ipinadala ng Gobernadora at natanggap ang mga paunang tulong para sa kanila.

Isinalaysay ni Cecilio Salindong na dahil sa kahirapan, naging problema ang pagpagamot sa kanyang asawa. Mayroon silang tatlong anak, si Ira Jane (15), Arian (9) Marian (7) na tiniyak nyang kanyang asikasuhin.

Hiniling ni Cecilio na syay matulungan ng Gobernadora sa mga pangangailangan sa sakahan dahil naibenta lahat ang kanilang alagang hayop upang maipagamot sa asawa.

Naghayag ng labis na pasalamat kay Gobernor Nancy Catamco ang mga kamag anak ng mag asawang Salindong at nagalak sa mabilis na hakbang ng pagtulong at silay dinggin kahit nagpadala lang ng mensahe sa facebook.

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

READ  AKSYON AGAD: " Tama talaga na walang pulitika pulitika, kundi serbisyo sa katawhan. Hindi lamang ito patching patching kundi opening of roads. Maraming salamat Governor Nancy Catamco, ikaw lang talaga ang nakapagbukas ng aming kalsada."