Mahigit P6M ipinapamahagi ni gob nc sa mga residente ng Brgy. Luayon

Malasila, Makilala. (Oktubre 08, 2020) –
Abot sa kabuang P6, 060, 000.0 ang naipamahagi ngayong araw ni Governor Nancy A. Catamco (Gov. Catamco) sa mga residente ng Barangay Luayon,Makilala.

Ito ay kabilang ng suporta ng Gobernadora sa mga biktima ng lindol na nanatili sa mga relocation sites sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng Gobernadora, na ang tulong ay upang makapagsimulang muli ang mga residente ng Luayon na labis na naapektuhan ng lindol, “Ang importante bisan hinay-hinay pero naay solusyon ang sitwasyon.”.

Sa okasyon, sinabi ni Malasila Brgy Chairman Melvin Fortajada na lubhang napakaswerte ng mga residente ng Brgy Luayon sa tulong na naigawad sa kanila ng Gobernador. Kanyang tiniyak na ang lahat ay malugod nyang tinatanggap bilang residente, kaugnay ito ng panukalang itatayong relocation site sa Brgy Malasila

Ipinaliwanag ni Abril Espadera, kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), “Ang programang ito ay hakbang ni Gov. Catamco para maiwasan ang pagkalat ng COVID19 sa mga matataong lugar tulad ng relocation sites.”.

606 na benepisyaryo ang nakatanggap ng P10, 000 kada isa ngayong araw sa ginawang distribusyon sa Malasila covered court. Ito ay liban pa sa mga tulong pinansyal na matatanggap ng mga biktima mula sa National Government.

Dagdag pa ni Gov. Catamco, “Dapat ay panatilihing ang pag-iingat laban sa banta ng COVID-19. Lahat tayo ay biktima ng panahon, ngunit ang ating pagkakaisa ang syang solusyon.”.

Kasama ng Gobernadora sa aktibidad sina Mayor Armando Quibod at kanyang maybahay na si Conchita Quibod, Board Member Onofre Respicio, Board Member Dr. Philbert Malaluan, Councilor Christine Ang-Malaluan, William Apostol, at Teoderito “Dodong” Orbita.

Nagpapasalamat ang Gobernadora sa patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Makilala, kawani ng PDRRMC, Provincial Treasurer’s Office, Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial General Service Office (PGSO).

https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

READ  Gov. NC tinitiyak ang pagsulong ng de-kalidad na Edukasyon sa harap ng Pandemya