100M Palay Procurement Program pinaghahandaang maipatupad sa Probinsya

Amas, North Cotabato (October 9, 2020)
Bilang tugon sa lubhang mababang presyo na bilihan ng palay, ipinanukala ngayon sa ilalim ng Provincial Rice Program ni Governor NANCY CATAMCO ang 100M na rice procurement program.

Sa ilalim ng nabanggit na programa, bibilhin ng probinsya ang mga preskong palay mula sa magsasaka nang mataas kaysa sa prevailing price. Ito ay ipa-giling upang maging bigas at gagamitin ng probinsya sa mga aktibidad nito. Kabilang na dito ang rice support program sa mga nangangailangan o indigent at food stock sa panahon ng kalamidad.

Basi sa pahayag ni Rosa Maria Cabanial ng Landbank of the Philippines, mayroong silang loan window na itinakda sa mga LGU para sa ganitong programa.

Natalakay ang usapin kamakalawa kasama ang mga kinatawan ng Land Bank of the Philippines, Budget officer Rey Ogatis, Accountant Marelyn Balagot, Provincial Agriculturist Sustines Balanag, Provincial Legal Officer John Paul Zerrudo, PDRRMO Mercy Foronda at BoardMember Krista Piñol Solis.

Naitakda na rin ang serye ng pulong hinggil dito upang talakayin ang mga detalye ng programa at pamamaraan sa pagpapatupad nito kasama na ang mga bodega na paglalagyan, milling operators na magiging partner ng probinysa, at ang mga ahensya na magiging kaagapay ng pamahalaan panlalawigan.

READ  Isang Barangay ng President Roxas nag-opsitibo sa ASF , Gov NC nananawagan ng kooperasyon