Gob NC: Ancestral Domains, tataniman, kapat kikita ang mga Tribo

Amas, Kidapawan City (10 Oct 2020) – Walang sinasayang na oras si Gob. Nancy Catamco sa pagtugon ng mga kahilingan ng mga tao lalong lalo na sa pagbibigay ng maayos na kabuhayan.

Isa sa tinututukan ng Gobernador ay ang mga Ancestral Domain ng mga katutubo na aabot ng libo-libong ektarya, ngunit nakatiwangwang lamang at kadalasan ay hindi napagkakakitaan ng mga tao.

Nakita ng Gobernador na ito ay dahil sa kakulangan ng intervention ng Gobyerno sa aspeto ng pagbibigay kaalaman sa mga tao kung ano ang bagay na itanim sa napakalawak na lupain, at pagpapapasok ng mga imbestor para matulongang kumita at makapagtrabaho ang mga tao.

Kanina ay binisita ni Gob. Catamco ang Ancestral Domain sa Barangay Lamalama, President Roxas, kasama ang Head Claimant nitong si Datu Nilo Balang at si Chairman Ariel Ante. Bitbit ng Gobernador si Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) Head Dr. Sustines Balanag para matingnan at mapag-usapan kung anong maaring itanim dito.

Sa inisyal na pag-uusap kasama ng mga tribal leaders ay gusto nilang tamnan ito ng mga kahoy at mga prutas na babagay sa lupa.

Nakatakdang gagawin na rin ang kalsada sa loob ng Ancestral Domain, na mahigit sa anim na kilometro mula sa Sitio Tahongtong papasok sa Sitio Pulangi 5 matapos na hilingin ito sa Gobernador. Iniutos naman ng Gobernador kay Engr. Jun Duyongan na tapusin ang proyekto bago paman matapos ang taong ito.

(PGO Media Team)

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

READ  Noon kayod-Kalabaw, ngayon May kaagapay na Kalabaw