Hybrid Electric Road Train nais ni Gob NC aa mag operate sa Probinsya

Amas, Kidapawan City (14 Oct 2020) – Agad nag-utos si GOB. NANCY CATAMCO kay PPDO head Cynthia Ortega na bumuo ng Technical Working Group (TWG) upang pag-aralan ang pagkaroon ng Hybrid Electric Road Train matapos na nag-alok nito ang Department Of Science and Technology na ibibigay ito ng libre.

Sinabi ni DOST Provincial Director Michael T. Mayo kay Gob. Nancy Catamco na ang naturang tren ay gawang Pinoy at nagkakahalaga ng P40 milyon. Ang tanging gagastusin lamang ng Probinsya ay ang pagdala ng tren dito sa North Cotabato mula General Santos City.

Labis naman ang pasasalamat ni Gob. Catamco sa alok ng DOST. Sinabi ng Gobernadora na makakatulong sa paglago ng ekonomiya ng Probinsya ang proyekto kasabay ng inaasahang pagbubukas ng Mindanao Central Airport sa Mlang.

Upang matiyak ang tagumpay ng proyekto, agad itong nag-utos na mabuo ang TWG ng Probinsya at pag-aralan ang pagkakaroon ng ganitong modernong sasakyan sa lalawigan.

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

READ  Mga Titulo ng lupa ‘dar to door’ na hinatid ng kalihim ng dar at Gob. NC sa mga may-ari