Ang pananghalian sa tulay ng Guangan

(Oktobre 18, 2020) – Makasaysayan ang okasyon ng pananghalian ngayong araw sa tulay ng Barangay Guangan, Makilala dahil kasunod ito ng pasasalamat at groundbreaking ng P40 M Guangan Bridge.

Hindi lang ang mga opisyales ng Guangan ang dumalo. Naroon din ang mga Brgy Chairman ng Luna Sur, Makilala, New Caridad, Baynosa at Batang ng Tulunan. Ang mga barangay na ito, kabilang rin mga barangay ng Banayal, Bituan, at Bacong ng Tulunan mga primerang benepisyaryo ng nabanggit na tulay. Aabot sa mahigit tatlong libong residente ang nilalayong matulungan ng proyekto.

Sinalaysay ni Guangan Barangay Chairman Armando Yabot Sr. na 1974 pa ng magawa ang tulay sa Guangan-Lamitan River. “14 pa ako edad, nitabang mi trabaho sa tulay tag Dos Pesos ang sweldo kada-adlaw.” Ngayon matanda na sila, ngunit masaya silang kahit kaunti lang ang botante sa kanila ay nabigyan parin sila ng malaking proyekto.

“Ito ay isang halimbawa ng convergence, o pagtutulong-tulong ng Nasyonal at Lokal na pamahalaan. Nandito tayo ngayon at nagkakaisa, sama-sama tayo sa pagbangon.”, ang masayang pahayag ni Governor Nancy A. Catamco (Gov. Catamco) na syang nanguna sa okasyon.

Lubos na naapektuhan ang naturang tulay ng dahil sa lindol noong nakaraang taon. Nagkaroon ito ng mga bitak, laging binabaha, at dahil na rin sa tagal ng panahon, ay kinakailangan nang mapalitan.

Naghayag ng personal na pasalamat ang opisyales ng mga barangay kay Editha Caduaya (Ginang Caduaya), isang journalist at dating residente ng Guangan na personal na tumulong sa kanila upang maaprobahan ang proyekto.

Naghayag rin ng kasiyahan si Ginang Caduaya sa pagsuporta kay Gov. Catamco na na aniya “masarap mahalin at tulungan, dahil sa panahon ng kahirapan hindi ka tatalikuran.”.

READ  Kahilingan ng mga bakwit na may kapansanan at may sakit inaksyonan ni Gob. NC

Nagpasalamat ang Gobernadora at nagbilin na sana ay maging inspirasyon ng mga kabataan ang ginang . Sapagkat kahit saan pa man o ano pa man ang kanyang narating, ay di ito nakalimot lumingon at mahalin ang kanyang pinanggalingan.

(PGO Media Team)

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco