Ang Pagsuko Para sa Panibagong Pag-Asa at Kapayapaan

Carmen, North Cotabato (Oct 19, 2020) –
Ito ang dahilan ng tatlong myembro ng New Peoples Army na sumuko sa pamahalaan ngayong araw. Layunin ng kanilang pagsuko ang makapamuhay ng normal sa komyunidad kapiling ang kanilang pamilya sa gitna ng pandemya.

Humarap ang tatlo ngayong araw kay Governor Nancy Catamco at sa pamunuan ni Maj.General JuvyMax Uy, Commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at BGen Roberto Capulong Jr., ng 602nd Brigade.

Dalawang lalaking combatant at isang babaeng medic na mula Guerilla Front 53 ng NPA ang humingi ng tulong sa 90th ID at agad naman nabigyan sila ng pagkakataon na maoproseso at matulungan.

Sa panayam ng team, hiling nila kay Gob. Nancy ang anumang tulong na silay makapagsimula muli. “Gusto na nako mobalik sa amung normal nga kinabuhi mam, maka skwela og tarung amu anak, kauban mi nila.” sabi ng babaeng surenderee na nagsilbi bilang medic.

“Ito ang ating isinusulong ngayon, matulungan ang ating mga nagrebeldeng mamamayan na bumalik na sa pamahalaan at makapamuhay ng mapayapa at normal.,” ayon sa Gobernadora.

Binigyang diin rin ng Gobernadora ang pundo at programa na isinusulong niya sa ilalim ng ELCAC o End Local Communism and Armed Conflict (ELCAC) matiyak lang na matulungan silang makabalik sa komyunidad.

SI EO 70 DILG XII Focal person, Ian John Clemente ay una nang nagpaabot ng pagbati sa matagumpay na pagsulong ng ELCAC programs ng probinsya na nagawa ng buong sigasig at dapat pamarisan.

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

READ  Gob. NC ininspeksyon ang Bulatukan Bridge pagkatapos ng matinding pagbaha