Kahilingan ng mga bakwit na may kapansanan at may sakit inaksyonan ni Gob. NC

Amas, Kidapawan City (19 Oct 2020) – Nasa kabuo-ang 86 na pamilya sa Purok Kalye-putol, Malasila ang lumikas matapos ang biglang pagragasa ng putik sa Bulatukan river.

Walong kabahayan na malapit sa ilog ang nawasak, nasira ang mga kagamitan, habang isa ka tao naman ang tinangay ng pagbaha.

Kanina ay kaagad na pinuntahan ni Gob. Nancy Catamco ang lugar, kung saan halos ang mga kabahayan ay pinasok ng abot-tuhod na putik.

Kasama ang tauhan ng PDRRMO, binisita rin ng Gobernador ang mga bakwit sa Malasila Gym, para makita ang kanilang kalagayan.

Isa-isang nakausap ng Gobernador ang bawat pamilya, at dito napag-alaman niya ang mga problemang nangangailangan ng agarang solusyon bukod sa mga pagkain.

Isa rito ang senior citizen na si Arnulfo Danlag na na-stroke, na kaagad na ipinahatid ng Gobernador sa Cotabato Provincial Hospital.

Gayun din ang may kapansanan na si Todelio Flores, 30 years old, na nangangailangan ng artipisyal na paa matapos na maanod umano iyon sa baha.

Habang inaayos naman ang tulong ng Gobernador para sa burol at pagpapalibing sa namatay.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng PDRRMO para sa pagtulong ng mga biktima ng naturang flash flood.

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco/

READ  Overflow patungong Brgy. Rodero, Makilala tinangay ng baha inispeksyon ni Gob. NC