DepEd Cotabato TV Production suportado ni Gob. NC.

Amas, Kidapawan City (21 Oct 2020) – Suportado ni Gob. Nancy Catamco ang Visual Media Production para sa programa ng Department of Education (Dep-Ed) Cotabato, sa pagpapahayag ng impormasyon gamit ang DEP-Ed TV channel, Youtube, at Facebook.

Kaninang hapon sa pagbisita ng mga kawani ng Dep-Ed Cotabato TV Production Team, na pinangungunahan ni Education Program Supervisor Ricky A. Dalida, ipinahayag ng grupo ang adhikain ng ahensya para maipaabot sa mga mag-aaral ang mga leksyon sa pamamagitan ng visual media.

Ipinahayag din ng grupo ang kanilang kaunaunahang episode sa isinasagawang Museo Kutawato. Pati narin ang kanilang mga kakulangan sa gamit, gaya ng dagdag na video camera, camera stabilizer, lights, at bihikulo. Humiling din ng grupo na matulongan silang magpatayo ng Video Production Studio.

Nakita ng Gobernador ang importansya ng visual media, lalo na sa harap ng pandemya. Sinabi nito na napapanahon para maipakita at maituro sa mga kabataan ng North Cotabato kung sino tayo bilang mga tao. Aniya ay punong-puno tayo ng nagkakaibang makukulay na kultura, at dapat ipakita na tayo ay may payapa at masaganang lalawigan.

Dapat ring matutunan ng mga bata ang mga riyalidad sa mga sakuna sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga kasalukuyang pangyayari sa lalawigan. Upang matutunan nila ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin.

Nangako ang Gobernador na ipapatawag kaagad ang Provincial School Board para mapaglaanan ng pundo ang kanilang kahilingan.

Labis naman ang kagalakan ng mga grupo sa Gobernador na bukas sa ganitong adhikain, at masigasig na nagbibigay ng suhestiyon sa programa nila.

READ  Ngiti, pangarap at talento @NAC Local Serbisyo Caravan sa Manobisa

Ang videong ipapalabas ay angkop para sa Kindergarten hanggang Senior High Schools na mapapanuod sa DEPEd Cotabato sa Channel IBC 13, DEPEd YouTube Channel, at Facebook page.

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco