Noon kayod-Kalabaw, ngayon May kaagapay na Kalabaw

Amas, Kidapawan City (22 Oct. 2020) – Walang mapaglagyan ang kasiyahan ni Allan E. Bansilan, isang magsasaka sa Barangay Lanao Kuran, Arakan matapos na makatanggap ng kalabaw mula sa Provincial Government.

Kanina sa pagpapatuloy ng Local Serbisyo Caravan sa kanilang Barangay, sa pangunguna ni Gob. Nancy Catamco at Dr. Rufino Sorupia, isa si Allan sa mga benipisaryo ng Provincial Animal Dispersal, at pinili niyang makakuha ng kalabaw.

Si Allan, 32 anyos may asawa at may dalawang anak. Tinatawid nito ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya sa pagsasaka. Matagal na umano nitong pangarap na magkaroon ng kalabaw na makakatulong sa kanya sa bukid.

Naikwento ni Allan ang mahirap na karanasan nito sa pagsasaka. Naranasan umano niyang magtrabaho gaya ng isang kalabaw, nang siya mismo ang humila ng suyod sa halip na kalabaw upang linisin ang pagtataniman ng mais.

Kaya kanina ay ganon na lamang ang kanyang kasiyahan nang makuha nito ang kalabaw. Handog umano sa kanya ito ng langit sa pamamagitan ng programa ng Probinsya at ni Gob. Catamco, at sinisiguro niyang aalagaan ito.

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

READ  Gov. Catamco vows to make remarkable changes in IP lives