70 Risograph Machines para sa 70 Distrito ng DepEd ng buong probinsya umaarangkada na

Amas, Kidapawan City (23 Oct 2020) – Masigasig na tinanggap ng mga guro ang mga bagong Risograph machines sa isang simpleng seremonya na ginanap kaninang umaga sa Amas, Provincial Capitol. Ito ay pinangunahan ni Governor Nancy Catamco at Schools Division Superintendent Isagani S. Dela Cruz, CESO V.

Naglaan ang Provincial Government ng P11 Milyon mula sa Special Education Fund (SEF) para sa pitumpung (70) units na Risograph. Ang mga ito ay gagamitin sa pag-iimprinta ng modules para sa mga estudyante sa elementarya at hayskul, para sa lahat ng distrito at clusters sa buong lalawigan.

Kanina ay nasimulan na ang distribusyon sa mga distrito ng munisipalidad ng Matalam, Kabacan, at Carmen.

Ayon pa kay DepEd Information Officer Charlie L. Antipolo, napakalaking tulong nitong Risograph dahil mas mabilis umano ito, at kayang mag-imprinta ng 120 kopya bawat minuto. Sa wakas ay maiibsan na rin umano ang pasanin ng mga guro sa pag-iimprinta sa mabagal na printer.

Inaasahan naman na sa unang linggo ng Nobyembre ay kumpleto na ang bilang ng mga Risograph na ipapamahagi ng Probinsya sa lahat ng distrito na sakop ng lalawigan.

Sumailalim din agad sa isang demo ang mga technical personnel ng bawat cluster. Itinuro sa kanila kung paano gamitin ang makina at ang tamang pagmimintina sa mga ito.

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco/

READ  Embahada ng Indonesia tutulong kay Gob NC sa Pagsulong ng kaunlaran ng Probinsya