Pinangunahan ni Governor Nancy Catamco ang site inspection ngayong araw sa Sitio Sta Cruz, New Bulatukan, Makilala kasama ang Provincial Engineering Office (PEO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at ang lokal na pamahalaan

Agad ipinag utos ng Gobernadora ang pagpapadala ng backhoe ngayong Lunes upang masimulan ang pagtrabaho ng ilang bahagi ng ilog matiyak lang na ma-proteksyunan ang mga residente.

Hiniling din ng Gobernadora sa mga residente na maging mapagbantay “dili magkumpyansa, kung moulan na sa bukid, siguruhon nga makahawa na dayon ug makabawit,” at ipinaliwanag ang kahalagahan ng buhay.

Ang dating 30 metro na ilog, ngayon ay sampung ektarya na ang lawak at nakatambak ang mga malalaking bato galing sa bundok dala ng baha nitong Lunes (October 19).

Humupa na ang baha ngunit tinangay nito ang mga pananim na gulay, mais, saging maging ang ilang hayop na di nagawang maisalba ng mga magsasaka. Walong bahay ang nasira at 41 pamilya ang kasalukuyang nasa evacuation site ng barangay.

Hiniling kahapon ng mga barangay opisyales sa Gobernadora na agad silang matulungan sa sobrang paglawak ng ilog. Napag-usapan kanina na ihahain sa Pamahalaang Nasyunal ang kahilingan hinggil sa pagtayo ng dike dahil nangangailangan ito ng malaking pundo.

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco/

READ  AKSYON AGAD...