ISANG MILLION PISO, ISANG RICE CLEANER at SOLAR Driers ang ibibigay ni Governor Nancy Catamco sa mga Rice Processing Centers (RPC’s) ng North Cotabato.

Amas, Kidapawan city (Oct. 26, 2020)
Tugon ito ng Gobernador sa problema ng mga nagsasaka ng palay kasunod ng ginawang pulong kanina kasama ang mga RPC Chairman, Federation of Irrigators Association President, National Food Authority at mga Financial Managers ng Probinsya.

Naghayag ng pasalamat si IA Federation President, Dante Kudal sa Gobernador sa pagkakataon na silay makausap, mapakinggan ang kanilang problema at matulungan.

Liban sa mababang presyo ng bilihan ng palay nabatid mula RPC’S na nagiging problema din nila ang pagbebenta ng bigas na produksyon ng centers kaya sila dumulog sa tanggapan ng Gobernadora.

“Iniwan po kami ng pamahalaan, di namin alam kung saang ahensya kami pupunta,” ito ang sinabi ni Kudal at nagpaliwanag na tumatakbo na ang operasyon ng center sa tulong ng 1M na procurement capital na bigay ng Department of Agriculture at mayroong silang mga stock ng bigas na di nabenta.

Kabilang sa mga kadahilanan nito ay ang mas murang presyo ng imported rice. Di rin nila maibenta sa mga LGU ang bigas dahil sa procurement law na tanging ang NFA lamang ang maaring pagbilhan ng bigas ng LGUs.

Dumalo mismo si pulong si NFA Provincial Manager Teresa V. Herrera na nagpaliwanag sa kanilang katungkulan at palisiya na sinusunod.

Upang kahit papanu ay maibsan ang problema, agad tinugon ng Gobernador ang kanilang kahilingan, kabilang na ang dagdag na implements ng thresher, ito ay ang rice cleaner at solar driers na talagang kailangan din nila. Magtatalaga din ng isang milyong piso sa bawat RPCS ang tanggapan ng Gobernador bilang dagdag na buying capital.

READ  Project Dumaki: Makabagong Teknolohiya para sa Globally Competitive na kabataang North Cotabateños

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco/