Project Dumaki: Makabagong Teknolohiya para sa Globally Competitive na kabataang North Cotabateños

Amas, Kidapawan (Oktobre 28, 2020) – Ang Project DUMAKI, o ang Digitalized Utilization of Materials Accessed through Kilometer-radius Intranet, ay isang makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa gitna ng kinakaharap nating pandemya. Magkatuwang itong isusulong ng pamunuan ni Governor Nancy Catamco at ng Department of Education (DepEd) Cotabato.

Ang proyekto ay isusulong gamit ang P50 M na pundo sa ilalim ng Special Education Fund. Bahagi ng programang ito ang pagbili ng mahigit 5,000 units tablet computers para magamit ng mga estudyante. Ito ang naging sentro ng pulong ng Provincial School Board kanina.

Naipaliwanag ng DepEd na mula kindergarten hanggang senior high ang mga magiging benepisyaryo ng naturang programa. Sa ilalim nito ay makakatanggap ang mga mapipiling paaralan ng mga tablet computers. Kasama na rin dito ang Access Point Antenna, Hotspot Router, Outdoor cables, 20-30 feet Tri-leg Pole, at Solar Power.

Sa pamamagitan ng Intranet ay magkakaroon na ng sariling WiFi network ang Departmet of Education (DepEd) para sa mga guro at mag-aaral. Hindi na kailangan pa ng load pang internet sapagkat hindi ito saklaw ng mga Telecommunication Companies (Globe, Smart, etc.). Sa 20-30 Tri-leg Pole ay kaya ng umabot ang signal hanggang isang kilometro At kung dadagdagan pa ang haba nito ay mas malayo pa ang mararating. Dagdag pa na solar powered ang mga ito, at di na po problemahin ang kuryente.

Dito nilalayong ibahagi ng DepEd TV ang kanilang mga interactive programs, kung saan ay parang nanunuod lamang ng telebisyon ang mga bata habang nakikinig sa diskusyon. Mas pinadali, at mas pinaganda ang paraan ng pagtuturo upang makuha ang atensyon ng mga estudyante, at mas madali nilang maiintindihan at maaalala ang kanilang mga aralin.

READ  DepEd Cotabato TV Production suportado ni Gob. NC.

Dahil dito ay magiging posible ng maabot ang mga lugar na walang signal. Matutulungan narin ang mga bata na maintindihan pa lalo ang kanilang mga aralin. Maiibsan rin ang pangamba ng mga magulang na baka hindi nila matulungan ang kanilang mga anak, dahil mayroon ring chat feature ang nasabing proyekto kung saan ay pwedeng magtanong ang mga estudyante at aga-agad ay masasagot ng kanilang mga guro.

Ang proyekto ay magiging katuwang ng patuloy na isinasagawang modular learning. Kung saan ay may mga modules parin na sasagutan at ipapasa ang mga mag-aaral.

“Napapanahon talaga ang ganitong hakbang para sa ating mga estudyante. This is one way of making them globally competitive dahil matututo silang gumamit ng teknolohiya. We should start from small beginnings. Doing this kahit di pa ganun kamalawakan is better than doing nothing.”, sabi ni Governor Nancy A. Catamco.

(PGO Media Team)

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco