38 Magsasaka ng Camutan Nakatanggap ng Titulo ng lupa kasabay ng NAC serbisyo caravan

Antipas, North Cotabato (Oct 29, 2020) MAKASAYSAYAN ang Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateños (NAC) SERBISYO CARAVAN sa Brgy Camutan ng Antipas ngayong araw dahil natanggap ng 38 magsasaka ang kani-kanilang titulo ng lupa. Upang markahan ang kasaysayan, nagtanim ng puno si Governor Nancy CATAMCO kasama ang mga kinatawan ng ahensya ng pamahalaan at ang mga opisyales ng barangay.

Maagang pirmahan para sa release ng kanilang titulo sa lupa ang nagdagdag kulay sa pormal na pagbukas ng (NAC) SERBISYO CARAVAN program sa ilalim ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) o EO 70 ng Pangulong Duterte.

Kasama ang mga opisyales ng DAR at lokal na pamahalaan iniabot ni Governor Nancy CATAMCO ang titulo ng magsasaka.

Sinabi ni Municipal Agrarian Reform Program officer Engr. Mario Albete, ang kanilang tanggapan ay nanguna sa pagsulong ng social justice na tinatanaw na naging puno’t dulo ng insurhensya sa bansa.

“Ang pagbibigay ng titulo sa kanila, ay bahagi ng pagpapaintindi, na ang Gobyerno ay sumusuporta upang sila maiahon sa kahirapan,” ayon kay Albete naglahad na may kabuuang 54 ektarya ang saklaw ng nabanggit na mga titulo.

Nagpasalamat ang mga benipisyaryo kasama na si Julieto Teodoro na nananawagan sa mga residente ng Camutan na makiisa sa pamahalaan. “Panahon na para mamuhay ng mapayapa, andito na ang Pamahalaang handang tumulong sa atin.”

Kasama sa programa, nakatanggap ng ayuda ang mga magsasaka mula sa tanggapan ng Gobernadora. Tatlumpong kambing ang naipamahagi sa sampung benipisyaryo at mga planting materials at abono.

Una nang pinuri ni DAR Secretary John R. Catriciones si Governor NANCY CATAMCO sa suporta na ipinaabot nito sa mga magsasaka ng probinsya. Dumalaw ang Kalihim sa Probinsya upang ipamahagi ang titulo ng lupa ng USM Reservation sa bayan ng Arakan noong nakalipas na buwan.

READ  100 indibidwal na lumahok sa isinagawang Skill Training ng TESDA sa Organic Vegetables Production Pormal ng natapos