“Taas noo, ipagmalaki nyo ang sarili nyo bilang mga katutubo” – Gob NC

Amas, Kidapawan City (3 Nov 2020) – Ito ang naging sentro ng mensahe ni Gob. Nancy Catamco kanina sa 42 mga Katutubong nakapagtapos ng 10days Organic Agriculture Production NC-2 sa ilalim ng TESDA Agri-Tech Training na programa ng 1002nd IB sa pangunguna ni Col. Pontenciano Camba.

Dito ay natutunan ng mga Katutubo ang tamang Pag-aalaga ng kambing, native na manok, native na baboy, Pagtatanim ng Organikong mga gulay, Paggawa ng Organikong Abono.

Pinuri ng Gobernador ang programa ng mga sundalo sapagkat sa pamamagitan umano sa ganitong training ay binigyang buhay ang dati nang kagawian ng mga Katutubo. Isa umano itong paraan ng pagbibigay importansya sa Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP).

“Sa una, atong ginapakaon atong mga baboy og mga karlang o gabi, ug mga kangkong, dili man feeds nga naay midisina. Karon ginatudlo ni sa atoag balik kay nakalimot na ta, ug kini ang mas maayo sa atong panglawas,” pahayag ng Gobernador.

Hinikayat din sila ng Gobernador na dapat taas-noo sila sapagkat mas may alam ng mga Katutubo ang kanilang kultura, identidad, at ang kanilang IKSP.

Isa sa adbokasiya ng Probinsya ang pagpapalakas ng IKSP nang sa gayon ay maibalik ang mga organikong pagsasaka, gayon din ang pag-aalaga ng mga hayop.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Col Camba sa presensiya ng butihing Gobernador, at sa patuloy nitong pakikipagtulongan sa mga programa ng AFP. Suporta mula sa Probinsya ang pagkain ng lahat ng mga trainees sa loob ng sampung araw.

Nagpapasalamat din si Dennis Dapan, 27 anyos, mula Katindo, Brgy. Malibatuan, dahil sa natutunan niya. Malaking tulong aniya ito sa pagsasaka, at pagkakaroon ng ani na menos gastos.

READ  Sektor ng transportasyon, kokonsultahin sa panukalang operasyon ng Hybrid Train sa Probinsya

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco