770 Magsasaka ng palay sa Alamada nabigyan ng binhi at abono

Amas, Kidapawan City (4 Nob 2020) – Bilang pagkilala at pagbibigay importansiya ng Probinsya sa ambag ng Rice Farmers sa paglago sa lalawigan, kanina ay nagbigay si Gob. Nancy Catamco ng binhi at abono bilang ayuda sa mga magsasaka sa Alamada.

Ang ayuda ay bahagi ng 76M seeds and fertlizer Assistance program ng Gobernador para sa mga magsasaka ng palay sa probinsya. Sa kabuuan ay 12,516 sako ng binhi ng palay at 40,000 sako ng abono ang ipamahagi ng Gobernador para sa mga magsasaka ng palay.

Una na ring nagalabas ng 24M ang Gobernador para sa Cash Assistance Program (CAP-rice) sa 24,000 magsasaka ng palay nitong nakalipas na mga buwan.

Kanina, ipinaabot ng Gobernador sa mga magsasaka ang kanyang paninindigan na marapat na muling i-repaso ang rice tarrification law na nagpapahirap sa mga magsasaka.

Sa harap nito, nanawagan ang Gobernador sa lahat na magsumikap upang mapalago ang sariling sakahan. Binigyan diin nito ang kahalagahan na tulungan ang sarili “Kita maningkamot sab ta aron maluwas natu ang atung pamilya ug kaugalingon sa kalisod, og ania ang gobyerno nga motabang kaninyo.”

Abot sa 2.7M ang halaga ng ayud na naipamahagi sa mga magsasaka. Makakatanggap ng tig isang sakong binhi ng palay, at dalwang sako ng abono (complete at Urea) ang bawat benepisyaryo. Nilinaw din ng Gobernador na wala silang babayaran dito, kundi ang responsibilidad na itanim nila ang mga binhi.

Ipinagmalaki naman ni Mayor Jesus “Susing” Sacdalan ang magandang ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Alamada at ang Probinsya sa pangunguna ni Gov. Catamco, sapagkat mas mabilis aniyang nakakarating sa mga barangay ang proyekto dahil sa “teamwork” nila.

READ  Bida ang Sining at Kultura ng Katutubong Cotabateño

Kasama ng Gobernador sa aktibidad ang konseho ng Alamada na pinangunahan ni Vice Mayor Toto Calibara, at PD Henry Villar.

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco/