100 indibidwal na lumahok sa isinagawang Skill Training ng TESDA sa Organic Vegetables Production Pormal ng natapos

Pormal ng nagtapos kanina ang 100 indibidwal na lumahok sa isinagawang Skill Training on Organic Vegetable Production at Organic Concoctions and Extracts sa Barangay Manobo, Magpet.

Ang isang buwang training na magkatuwang na inorganisa ng 72nd Infantry Batallion ng Philippine Army, Technical Education and Skills Training (TESDA) at Provincial Goverment ay layong hasain muli ang kaalaman ng mga partisipante sa tradisyunal at organikong pagtatanim ng gulay maging sa pag proseso nito upang makapag produce ng mga produktong mas ligtas sa kalusugan ng tao at kapaligiran.

Sa mensahe ni Ms. Norayah A. Acas, TESDA Provincial Director at Barangay Captain Roldan Pelonio ng Barangay Manobo, parehong binigyang diin ng mga ito na mapalad tayo na isang Governor Nancy Catamco ang naging lider ng lalawigan na may totoong pagmamahal at serbisyo sa taumbayan.

Maliban sa libreng training, ang mga nagtapos na karamihan ay mga IPs ay tumanggap rin ng allowance mula sa TESDA.

Sumaksi rin sa naturang okasyon sina IP Affairs Head Leah labrador, Engr. Franklin Beltran, PTC Kidapawan coordinator, 2LT. Harry Magbanua at 2LT Roniel Ferrer mula sa 72IB na naging kinatawan ni LTCol. Rey Alvarado.

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

READ  Gob NC pinaalalahanan ang Tribal Leaders na maging modelo sa pagsulong ng IKSP