Mahigit P400, 000 na halaga ng binhi ng Palay at abono, Ipinamahagi sa mga magsasaka ng Aleosan

Abot sa 112 na mga magsasaka ng palay sa bayan ng Aleosan ang tumanggap ngayong araw ng libreng binhi at abono na may kabuuang halaga na P403, 200 mula sa pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Municipal Councilor Doris Clarito, kahanga hanga ang isang Governor Catamco na mabilis umaksyon at tumugon sa mga napapanahong problema lalo’t higit ng mga magsasaka na syang backbone ng ating komunidad.

Ngiti ng pasasalamat naman ang ganti ng mga benepisyaryo sa tinanggap na tig isang sakong certified seeds at dalawang sakong abono na anila’y malaking tulong na mabawasan ang kanilang gastusin sa pagsasaka.

Matatandaan na agad naglaan ng 76 milyon na pondo ang gobernadora para sa rice seeds and fertilizers assistance program upang ma ayudahan ang mga rice farmers sa lalawigan na matinding umaaray dahil sa bagsak na buying price ng palay bunga ng Rice Tarrification Law (RTL).

 

READ  Embahada ng Indonesia tutulong kay Gob NC sa Pagsulong ng kaunlaran ng Probinsya