Bida ang Sining at Kultura ng Katutubong Cotabateño

Dama ang buong suporta ni Governor Nancy Catamco, para sa pangangalaga at promosyon ng kultura at tradisyon ng mga katutubo. Ito ay kasunod ng ginanap na School of Living Tradition sa Barangay Manobo, Magpet, na isinulong ng Provincial Government, kaakibat ang Museu Kutawato at PGO- IP Affairs Office.

Ayon kay Museum Curator, Veronica Ceballos, naka angkla ang programa sa “One people with diverse culture”, na kabilang sa mga prayoridad ng Gobernador. Layon nito na sa loob ng tatlong buwan ay magkakaroon ng pagsasanay at pagsalin ng kakayahan sa paggawa ng mga sumusunod: Bead accessories making, Enabol weaving, Suoroy & Kuglong making (paggawa ng instrumento pang musika), Kulintang and Agong instrument playing, Basketry, at ang sining ng katutubong sayaw at pagluluto.

Isinusulong ng Museo Kutawato ang promosyon, at upang ma-preserba ang kultura at tradisyon ng mga katutubo sa probinsya. Ang kanilang mga likha ay itatampok sa Museo Kutawato, bilang showcase ng kanilang mga talento. Ibebenta rin ang kanilang mga produkto bilang mga souvenir items ng probinsya.

“Si Gob. Catamco ay napaka-supportive sa pagsusulong ng Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP), para makilala at lumago ang sariling likha na minana pa ng mga katutubo sa aming mga ninuno.”, ayon kay Lea Labrador ng Office of the IP Affairs.

Kasabay ng NAC Local Serbisyo Caravan kanina sa Brgy. Manobo, nasaksihan at sinuportahan ng Gobernador ang aktibidad, lalong lalo na at para sa mga katutubong residente nito.

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

READ  Sektor ng transportasyon, kokonsultahin sa panukalang operasyon ng Hybrid Train sa Probinsya