Ngiti, pangarap at talento @NAC Local Serbisyo Caravan sa Manobisa

Hindi masukat ang ngiti at saya ng mga bata sa barangay Manobisa sa bayan ng Magpet matapos na bigyan sila ng espesyal na pagpupugay ni Governor Nancy Catamco kasabay ng pagdiriwang ng National Childrens Month ngayong buwan.

Mga bata ang naging sentro ng kasiyahan na nagpamalas din ng kanilang mga natatanging galing sa pag awit at sayaw.

Sa pakikipag usap sa kanila ng gobernadora ay ibinahagi nila ang kanilang mga pangarap, mayroong nais maging guro, pulis at sa murang edad, pinatuyan ng batang si Mark na mulat na ang kanyang kaisipan sa kapayapaan at kaularan matapos nitong sabihin na nais niyang maging sundalo upang makatulong sa bayan.

Bilang gantimpala sa mga nagpamalas ng talento ay binigyan sila ng premyong cash ni 1002nd Army Brigade Commander Col. Potenciano Camba, Police Colonel Henry Villar at ni Governor Catamco. (PGO Media Bureau)

READ  ISANG MILLION PISO, ISANG RICE CLEANER at SOLAR Driers ang ibibigay ni Governor Nancy Catamco sa mga Rice Processing Centers (RPC's) ng North Cotabato.