Embahada ng Indonesia tutulong kay Gob NC sa Pagsulong ng kaunlaran ng Probinsya

Amas, Kidapawan City (Nov. 18, 2020)

Bumisita kay Governor Nancy Catamco si Indonesian Consul General Dicky Fabrian kasama ang ilang kawani ng Embahada ng Indonesia ngayong araw.

Kabilang sa napag-usapan ang pagpapalakas ng ekonomiya sa pamamagitan ng mga proyekto at programa at palitan sa pamilihan ng produktong agrikultura at negosyo.

Naghayag ng kagalakan ang Gobernador sa pakipagpulong ng Consul General sa kanya at inilahad ang posibilidad na magkaroon ng Agri-Expo at investment benchmarking kung matuldukan na ang pandemya.

Naniniwala ang Gobernador na isang magandang pagkakataon ang nabuo kanina dahil makakatulong ito ng malaki kasabay ng pagbubukas ng Central Mindanao Airport sa bayan ng Mlang.

Inilahad din ng Gobernador ang posibilidad na magkaroon rin ng direct flights mula sa North Cotabato tungong Indonesia. Malugod na tinanggap ng Consul General ang panukala at naghayag sya ng kahandaang tumulong sa Gobernador upang maisulong ang kaunlaran ng North Cotabato.

Layun ng Bansang Indonesia na mas mapabuti ang relasyon ng kanilang bansa sa Probinsya ng North Cotabato. Malaking pundo ang nailagak ng bansang Indonesia sa Pilipinas na umaabot sa pitong bilyong dolyar ($7B) at malaking porsyento nito ang napunta sa Mindanao.

Kasama ng Gobernador sa pulong si PPDO Chief Cynthia Ortega, Investments and Promotions Chief Ray Mazo, Manuel Jaime ng DTI at ang negosyanteng si Mr. Honesto Cabacungan ng Makilala.

READ  770 Magsasaka ng palay sa Alamada nabigyan ng binhi at abono